Maine sa movie nila ni Carlo: Parang hindi ko naman po ine-expect na magiging blockbuster

MAINE MENDOZA AT CARLO AQUINO

ITOTODO at ibibigay nina Carlo Aquino at Maine Mendoza ang lahat-lahat para sa first movie nila together, ang “Isa Pa With Feelings.”

Ayon kay Carlo, sumailalim na sila ni Maine sa ilang series of acting workshops bilang paghahanda sa kanilang project na very soon ay magsisimula na nga ang shooting.

Sa nakaraang presscon ng first major solo concert ni Carlo, ang “Liwanag,” nabanggit ng aktor na looking forward at super excited na siya sa panibagong challenge na pagdaraanan nila ni Maine sa movie.
Dedma na rin siya sa mga bashers na kumokontra sa pagtatambal nila ni Maine, kabilang na riyan ang ilang loyalistang fans ng TV host-actress at ni Alden Richards.

“What can I say, e ‘yung bashers, kahit wala ka namang ginagawa, iba-bash ka. Nang pati ang mga taong mahal ko sa buhay na wala namang kinalaman sa showbiz, dinadamay pa nila, I turned off my account.

“Pero in-on ko rin uli later kasi nare-realize ko, hindi naman sila titigil dahil doon sila masaya. E, ako, masaya naman ako sa buhay ko ngayon, so pabayaan na lang sila. Heto nga, may solo concert ako and may bago akong movie, with Maine, so sa work na lang ako magpo-focus muna,” aniya pa.

Sa isang panayam naman kay Maine, sinabi nito na handa siyang gawin ang lahat para sa ikagaganda ng movie nila ni Carlo, “‘Yung sa movie po namin, ang concern ko lang talaga is sana makagawa kami ng magandang pelikula. Parang ‘yung quality pa rin (ng movie) ‘yung nagma-matter sa akin.

“Parang hindi ko naman ini-expect na magba-blockbuster ‘yung movie namin or anything, pero gusto ko lang talaga na maka-deliver kami ni Carlo and magustuhan ng tao ‘yung ma-gagawa namin.”

Dagdag pa ni Maine, “Sana po kapag lumabas na, sana po ay suportahan at panoorin niyo. For the meantime, ‘yung ‘Hello, Love, Goodbye’ po muna ang panoorin nating lahat,” na ang tinutukoy ay ang blockbuster movie nina Alden at Kathryn Bernardo.

Read more...