Kakai binalaan ang nagpo-post ng ‘HLG’ video clips

KAKAI BAUTISTA

Nakiusap ang komedyanang si Kakai Bautista sa lahat ng mga nakapanood na ng “Hello, Love, Goodbye” na huwag nang mag-post online ng screenshots o video clips ng pelikula na kuha sa sinehan.

Nagpasalamat si Kakai sa lahat ng sumuporta sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards pero aniya, “stop violating copyright laws.”

“Thank you po sa mga tags nyo sa amin about #HelloLoveGoodbye, pero nakikiusap po kame na wag po tayong mag-post ng videos, photos ng film habang nanunuod,” ang mensahe ni Kakai sa madlang pipol.

Dugtong pa niya, “Diba nga po may advisory naman sa mga sinehan? BAWAL po yun eh,” she wrote, referring to a visual reminder of the Anti-Camcording Act of 2010, which gets played before every screening of the film.”

Bukod dito, nag-post din ang komedyana ng isang photo kung saan nakalagay ang mga numero na pwedeng tawagan para mag-report ng mga namimirata ng pelikula at copyright violators.

“Those who wish to report copyright infringements can send them to content_protection@abs-cbn.com and operations@streamenforcement.com.”

Read more...