Marco Gumabao handang maghubo’t hubad sa pelikula pero may kundisyon

MARCO GUMABAO

HANDANG mag-frontal nudity si Marco Gumabao sa pelikula kung kakailangan sa eksena at kung napakaganda talaga ng materyal.

Sa nakaraang presscon ng “Just A Stranger” kung saan makakatambal niya for the first time si Anne Curtis, sinabi ni Marco na depende sa project kung papayag siyang ipakita ang lahat-lahat sa kanyang katawan.

Sa ngayon, hanggang sa pagsusuot lang ng briefs ang kaya niyang gawin, partikular na sa sexy pictorial niya para sa isang underwear line, “Matagal akong kino-convince na mag-underwear para sa Bench, pero for the longest time, lagi akong nagsasabi ng hindi.

“Huwag, ayoko munang magganyan. Hindi pa ako ready. Pero may isang kumausap sa akin and told me na, ‘Ito, babagay sa ‘yo. You should try na ito yung tahakin mo na landas.’

“And my dad (Dennis Roldan) before, also, ganito rin yung ginawa niya. Medyo yung dad ko, mapangahas. So, I guess, ready naman ako, basta ready yung katawan ko. Yun ang main concern kapag hindi napapasarap sa pagkain,” pahayag ng hunk actor.

“Tsaka ‘yun nga, kung talagang kailangan sa eksena at ganu’n kaganda ang project, why not, let’s see,” aniya pa.

Pero feeling ni Marco, matindi na rin ang ginawa niya sa “Just A Stranger” na idinirek ni Jason Paul Laxamana na kinunan pa sa Portugal. Gaganap siya rito bilang anak ng isang Philippine Ambassador na magkakaroon ng illicit affair sa babaeng may asawa na to be played by Anne. Si Edu Manzano naman ang gaganap na husband niya sa pelikula.

“Working with Anne was amazing. She’s super nice. It’s my second time to do a movie with her and mas naging close kami. We have a good working relationship and everything was so fun,” pahayag ni Marco.

“This is very different from my previous roles. I’m going to be younger than my usual age here so mas childish ako, mas immature ako dito so it’s very different from my role in Los Bastardos, he’s the total opposite,” aniy pa.

Sa tanong kung pwede ba siyang ma-in love sa babaeng mas matanda sa kanya, “Basta not super old.

Hindi siguro tataas ng 10 years or baka five years hindi yun tataas. Well for me kasi love doesn’t come with age so as long as you fall in love with someone, no matter what the age is, okay lang yun.”
Produced by Viva Films, “Just A Stranger” opens on Aug. 21 in cinemas nationwide.

Read more...