Mylene may trauma sa kasal: Pwede ko pa rin siyang gawin bago ako mamatay…

KIT THOMPSON AT MYLENE DIZON

SA “Belle Douleur” mediacon ay diretsahang tinanong si Mylene Dizon kung yummy ang leading man niyang si Kit Thompson.

Tatlo ang maiinit na love scene nila ng Kapamilya actor sa pelikula na idinirek ni Atty. Joji Villanueva Alonso.

“Tinatanong talaga? Ano sa tingin mo?” natatawang sagot ng aktres.

Sa rating na 1-10 ano ang ibibigay niyang score kay Kit, “I will give him 9%!” mabilis na sagot ng aktred sabay tingin sa binata. “Binitin mo pa!” saad naman ni Kit.

“Oo, 9 ka lang! 10 ‘yung jowa ko ‘no! Baka sabihin niya it’s a tie?” nakatawang sagot uli ng aktres.

At dahil marami nga silang love scenes sa pelikula ay tinanong si Mylene kung may naramdaman ba siyang “something” habang ginagawa nila ni Kit ang mga eksena.

“Nakakatawa ‘yang love scenes. Paano ka mate-turn on kung maraming taong nakatitig sa ‘yo, tapos my boom mike pang nakaganyan (sabay muwestra), di ba? You’re trying to be sexy and all that tapos may maririnig kang, ‘i-zoom na, i-zoom na!’ Ano ba ‘yung isu-zoom ba kasi?” tumatawang kuwento ng aktres.

Pero sa solong panayam namin kay Kit ay inamin nitong na-turn siya sa mga eksena nila ni Mylene pero pinipigilan niya. Binanggit naman namin ito sa leading lady niya.

“Alin? Ang pag-telag (ng private part)? Ang husay naman niyang pumigil,” natawang sagot ni Mylene.

If ever na mayroong naramdaman, hindi ba siya mahihiya, “Hindi, magmamaganda pa ba ako? Naku, ayaw ko na direk! Magga-ganu’n pa ba ako? E, di maganda!” tawa nang tawang sabi ng aktres sabay muwestra na kunwari ayaw niyang maramdaman si Kit.

At dahil maseselan ang mga eksena nina Kit at Mylene sa “Belle Douleur” ay inamin ng huli na ipinagpaalam niya ito sa boyfriend niyang si Jason Webb.

Kaya pagkatapos ng presscon ay natanong uli ang aktres tungkol sa naging reaksyon ni Jason sa mga mapangahas na ginawa niya sa movie.

“Nagpaalam ako pero hindi siya nakikialam sa career ko kasi for a time kasi I didn’t want to work. One time we’re hanging out sa labas ng bahay namin, sabi niya, ‘You know people say you do well, you act, you can deliver. If you don’t act, you’re not exercising your talent or you’re doing disservice to your craft.’

“Kaya nagtrabaho ulit ako, bumalik ako sa pag-arte. Lumalaki na kasi ‘yung mga bata. My Thomas is already 14,” pahayag ng aktres.

Sa edad ngayon ng aktres na 45 ay hindi raw siya magkakagusto sa mas bata sa kanya dahil tingin niya ay anak na niya ito dahil ang panganay niya ay 14 years old na.

“Hindi kasi malapit na sa edad ni Thomas, he’s 14. At ang tingin ko kay Thomas adult na, he’s taller than me na. Saka hindi ko kaya ‘yun (makipagrelasyon sa sobrang bata) mamamatay ako. Kung mas may edad sa akin okay lang,” katwiran ni Mylene.

Samantala, matagal nang magkarelasyon sina Mylene at Jason pero wala sa plano ng aktres ang magpakasal dahil may fear siya na naka hind maging successful ang marriage nila bukod pa sa napapalibutan siya ng mga kaibigang puro hiwalay na sa kanilang mga asawa.

Aniya, “I’m just surrounded by so many people whose marriages have fallen apart when in the beginning they were fine.

“Siguro marami ang magsasabing, ‘Marami namang successful marriages.’ Yes, of course, there are.

“Pero I’m surrounded by failed marriages, and I’m in a very good place right now, why rock it?” pahayag pa ng aktres.

At kung para rin sa ikapapanatag ng kalooban ay puwede pa rin naman daw itong mangyari kung gugustuhin niya, “Puwede ko siyang gawin bago ako mamatay, if I really want to.

“But the pain that I saw that my friends had experienced is not something that I want to experience now.

Grabe kasi yung mga nakita ko sa kanila.“Of course, sabi ng iba, ‘Puwede ka namang lokohin ng boyfriend mo,’ yung mga ganyang payo.

“Of course, oo, puwede, pero hindi ko siya asawa. I think, mas madaling takasan kapaga ganu’n kasi wala naman kayong pinanghahawakan.

“Maraming magbabatikos, pero choice ko ito, e. Bakit ba? E, di magpakasal kayo! Paulit-ulit pa,” paliwanag mabuti ni Mylene.

Sa panayam pa kay Mylene pakatapos ng presscon ay inamin niyang may komunikasyon sila ni Julia Montes through viber.

Kaya ang sunod na tanong sa kanya ay kung may alam siya sa balitang nanganak na umano ang aktres na ang itinuturong tatay nga ay si Coco Martin.

“Oo, (teka) ano ang alam ko?” sabay tanong at sabay sabing, “Help, help tulungan n’yo ako (rito).” Hindi na nagdetalye pa si Mylene kung ano ang mga napag-uusapan nila ni Julia.

Pero kung halimbawang totoong may anak na nga si Julia at si Coco, ano ang mararamdaman ni Mylene bilang anak-anakan nga niya ang aktres, “I’ll be so happy for them, if its true! E, teka, sila ba?” balik-tanong uli nito sa nagtanong.

Kapag magkausap sina Mylene at Julia ay nagpapaturo ang huli kung paano magluto ng mga ulam at kung anong exercises ang dapat gawin.Isa pang naging anak-anakan ni Mylene ay si Joshua Garcia (sa The Good Son) na hiwalay na sa girlfriend niyang si Julia Barreto.

Ano ang maipapayo niya sa binata ngayong may pinagdaraanan ito sa kanyang lovelife? “Manalig ka, manalig ka anak ka sa sarili mo, you trust yourself and what you feel and you always have to be strong.
“You’re very young and many things can happen. Pero napaka-sweet nila kapag kumakain naka-live feed pa,” pahayag ni Mylene.

Going back to “Belle Douleur”, kasama rin dito sina direk Marlon Rivera, Jenny Jamora at Hannah Ledesma mula sa direksyon ni Atty. Joji Alonso.

Isa ito sa mga official entry sa 2019 Cinemalaya Film Festival mula sa Quantum Films. Nagkaroon ito ng gala night kagabi sa CCP Main Theater at talagang jampacked ang buong teatro.

Read more...