MAGANDANG araw po sa Aksyon Line may tanong lang po ako sa OWWA. May dalawang years na akong nagtatrabaho dito sa Middle East.
May apat kaming anak at dalawang ang nag-aaral pa. Sa sobrang mahal ng bilihin at mga bayaran, dagdag pa ang matrikula ay kulang talaga ang a-king sinusweldo.
Kaya naisipan ko na magtayo ng kahit na maliit na negosyo sa pama-magitan ng business loan na iniaalok ng OWWA.
Gusto ko lang po sana na malaman kung ano ang mga kinakailangang requirements para mag avail ng loan.
Kung sakali po na mapautang ako sa OWWA at makapagtayp ng kahit maliit na negosyo ay malaking tulong at kaginhawaan po eto sa amin.
Sana ay matulungan kami ng OWWA na makapag avail ng loan.
Salamat po.
Gumagalang,
Mr. Reynaldo Baculi
202 D Balayong Bauan, Batangas
REPLY: Ang OWWA ay nag-aalok ng loan sa mga kwalipikadong Overseas Filipino Workers sa pakikipagtulungan ng Land Bank of the Philippines
Ang sinumang OFW na gustong magtayo ng negosyo ay maaaring mag apply sa OWWA ngunit kinakailangang kumpletuhin ang mga requirements
Ang OWWA loans ay maaaring ma-avail ng certified at endorsed ng OWWA sa Land Bank
Ang mga aplikante ay kinakailangang magsumite ng business plan para masuri ang negosyong gustong itayo
Kinakailangan din ng may P10,000 net monthly income
May tinatawag na short term at long term loans.
Ang short term ay maaari lamang tumagal ng 12 nonths habang ang longbterm ay ibabase sa cash flow ngunit hindi maaaring lumagpas ng 7 taon
Ngunit may ipapataw na interest rate na 7.5% para sa short and long term loan
Ang halagang maaaring ma loan ay depende sa buskness proposal at sa computed capacity to pay ng OFW
Maaaring makautang ng mula P300,000 hanggang P2,000,000
Narito ang mga kinakailangang requirements para sa OWWA loan application
The applicant must provide OWWA certification that proves status as a bona fide overseas Filipino worker.
The applicant should also show that he has finished the Enterprise Development Training. OFW’s credit history will be helpful in determining the maximum loan amount and terms of payment.
The applicant needs to submit the specific project intended to generate income for him and his family, together with the purchase order, contract growing agreement or service contract.
Other requirements include Certificate of Registration with the Department of Trade and Industry or DTI, bio-data of the OFW, Mayor’s Permit, BIR-filed financial statements for the past 3 years if applicable, income tax return or ITR for the 3 three years, Statement of Assets and Liabilities and the latest interim financial statement if available.
Maaaring isumite ang requirements at specific business plan sa anumang OWWA regional office
Hindi naman kinakailangan ng collateral para makapag avail ng OWWA loan.
Para sa iba pang detalye maaring mag log on sa www.owwa.gov.ph
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.