8 Star Magic artist sanib-pwersa para sa beauty & wellness

RIA ATAYDE, RHEA TAN AT JANE OINEZA

Unti-unti nang natutupad ang dream ni Beautederm boss na si Rhea Anicoche-Tan na magkaroon ng 100 stores bago sumapit ang 10 years nito sa beauty and wellness business.

Sa launching ng walo niyang celebrity endorsers last Sunday sa Vertis North Seda Hotel, inihayag ni Rhea na nasa 80 na ang branches ng Beautederm ngayon kaya ilang tulog na lang ay dream come true na ang kanyang “#RoadTo100stores.”

Bilang tugon sa request ng mga clients niyang millennials, ni-launch na ng kanyang beauty business sa ginanap na bonggang mediacon ang walo nilang endorsers para sa iba’t ibang produkto.

‘Yan ay kinabibilangan nina Carlo Aquino, Ria Atayde, Jane Oineza, Ryle Tan, Matt Evans, Kitkat, Alex Castro at Ejay Falcon.

Take note, anak ni Sylvia Sanchez at sister ni Arjo Atayde si Ria kaya patunay ito na swak na swak sa kanila ang mga products ng Bautederm na ineendorso nilang mag-iina.

“Umaapaw ang kaligayahan ng aking puso dahil lumalaki na ang aming pamilya sa Beautederm.

Naghahanda kami sa kapana-panabik na mga event at milestones kaya humbled ako na ibahagi ang lahat ng ito hindi lang sa aming brand ambassadors at sa mga kaibigan natin sa press ngunit pati na rin sa aming resellers at distributors,” pahayag ni Rhea.

Read more...