Hugot ni Maine: Kung hindi para sa ‘yo, hindi talaga…dapat mas magsumikap at magtiyaga

MAINE MENDOZA

BIGO man si Maine Mendoza na manalo sa segment ng Eat Bulaga na “Rush For Win” last Saturday, naging masaya naman ang naging experience niya rito.

Ang kaibigang si Ciara Sotto ang pinalad na makakuha ng flag sa tuktok ng madulas na stairs. Nakunan pa nga silang nag-uusap matapos ang game.

“Actually sinusubukan kong hingin sa kanya yung flag kasi matindi talaga ang pangangailangan ko. Nagbabakasakali rin akong madaan siya sa pakiusap. LOL!” tweet ni Meng after ng 40th anniversary celebration ng noontime show last Saturday.

Dagdag pa niyang mensahe, “Babalik at babalik tayo diyan kahit sabihin natin na siguro dapat mas magsumikap at magtyaga tayo para makamit ang isang bagay. Kung hindi talaga para sayo…Hindi talaga.”

Of course, for the love of Eat Bulaga ang pagsali ni Maine sa nasabing segment na halos nalamog-lamog ang katawan dahil sa ilang beses na pagkalaglag, huh!

Read more...