HINDI lang ang mga personal na problemang pampamilya ng isang kilalang male celebrity ang pinagpistahan sa isang umpukan. Pati ang mga nakaraang taon sa kanyang buhay ay naungkat din.
Hindi pa siya kilala sa kanyang larangan ay saganang-sagana na talaga siya sa kaangasan. Maraming nakakaaway na kasamahan ang lalaking ito, gusto na siyang upakan ng mga nagagalit sa kanya, namamagitan lang ang kanilang mga kasamahan para maiwasan ang rambol.
Kuwento ng aming source, “Magaling sana siya kung sa magaling, pero sumosobra naman ang believe niya sa talent niya! Napakayabang niya, maangas talaga, napakasarap niyang ipako sa krus!
“Nu’ng nasa college pa lang siya, e, marami nang nagagalit sa kanya dahil sa kakaiba niyang kayabangan! Ang feeling kasi ng lalaking ‘yun, e, regalo siya ng langit sa mundo ng mga kababaihan!
“Masyado siyang naniniwala na super-sikat na siya, na siya na ang pinakamagaling sa paghawak ng bola, super-angas talaga ang hinayupak na ‘yun!” sabi ng isang miron sa malaking umpukan.
Milyones na ang kinikita ng male celebrity sa kanyang linya, pero ang mga tinderang pinag-uutangan niya nu’ng allowance pa lang mula sa kanilang kolehiyo ang inaasahan niya ay never na niyang binalikan, basta dinedma na lang niya.
“Napakaangas niya, e, ni hindi nga niya maalalang puntahan man lang ang mga taong napakalaki ng naitulong sa kanya nu’n! Kakain siya nang walang datung, pinakakain naman siya!
“Hindi naman panis na food ang ipinakakain sa kanya nu’n, bagong luto naman na kinakain din ng mga nagbabayad, pero kahit minsan ba, e, binalikan niya ang mga taong ‘yun na inutang-utangan niya ng pagkain?
“Waley! Nakilala na siya sa field niya, pero hindi man lang niya naalalang bayaran ang mga utang niya du’n sa mga taong nakikipagsapalaran lang naman para mabuhay!
“Maganda para sa kanya ang mga asuntong inabot niya ngayon, leksiyon ‘yan para magbago siya, kailangan na niyang ilapat ang mga paa niya sa lupa para maging maayos ang buhay niya!
“Bastos ang male celebrity na ‘yun! Kinakayan-kayanan niya ang mga kasamahan niyang players, dapat lang talaga sa kanya ang mga natitikman niyang asunto ngayon!” inis na pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, buti na lang at nakawala sa kanyang sumpa ang isang sikat na becki TV host!