Angelica ‘na-Bea Alonzo’ na nang ilang beses: Karapatan din niya ang lumigaya

ANGELICA PANGANIBAN

May karapatang lumigaya si Angelica Panganiban. Sobra-sobra na ang sakit sa pakikipagrelasyon na pinagdaanan niya. Siya man o ang kanyang partner ang may mali ay isang bagay lang ang mahalaga -may karapatang maging masaya ang magandang aktres.

Para maintindihan mo si Angelica ay kailangan alamin mo ang kanyang nakaraan. Lumaki siyang walang nakagisnang ama, silang mag-ina lang ang lumaban sa buhay, kaya may kulang sa kanyang pagkabata.

Pero hindi siya tulad ng ibang kabataan na nalihis ng landas dahil sa nawawalang bahagi ng kanilang buhay, lumaban si Angelica, nag-artista siya para maging maayos ang buhay nilang mag-ina.

Reklamo ng marami ay mahirap siyang pakisamahan, may sarili siyang mundo, mahirap siyang intindihin. At palagi siyang nakasimangot.

Sabi ng isang kaibigan ng dalaga na nakausap namin, “Front lang niya ‘yun, pero ang totoo, napakasarap niyang magmahal at magpahalaga sa kapwa niya. Masarap siyang karelasyon, masarap siyang maging kaibigan, dahil mapagmahal siya.”

Bumibilang nang maraming taon ang pakikipagrelasyon ni Angelica. Nakailang taon ba sila ni Derek Ramsay? Di ba’t kasal na lang ang kulang sa kanila?

Ilang taon din ba silang naging magkarelasyon ni John Lloyd Cruz? Hindi lang sinuwerte si Angelica, sabi ng marami, dahil “na-Bea Alonzo” siya.

Kaya kung sila na nga ni Cholo Barretto ngayon ay maganda ‘yan, may karapatang lumigaya si Angelica Panganiban, ang tulad niyang marunong magmahal ay kailangan ding makatagpo ng bagong magmamahal sa kanya.

Read more...