BININYAGAN na ang bunsong anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Jose Sixto “Ziggy” G. Dantes IV o Baby Ziggy.
Ginanap ang binyagan last Sunday sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish church na dinaluhan ng respective families nina Dong at Yanyan at ng kanilang mga malalapit na kaibigan in and out of showbiz.
Sa kanyang Facebook account, ipinasilip ng Kapuso Primetime Queen ang binyag ni Baby Ziggy kung saan makikita ang ilan nilang bisita tulad nina Kim Atienza, Paolo Contis, Richard Gutierrez, Ana Feleo, Boobay at marami pang iba.
Kahapon, muling nag-post si Marian ng ilang mga litrato na kuha sa binyagan. Aniya sa caption, “Welcome to the Christian World mahal ko. Te quiero mucho Mi Hijo!”
Ipinanganak si Baby Ziggy noong April 16, 2019.
Komento ng ilang followers ni Marian sa IG, siguradong bibida na rin very soon sa mga TV commercial ang bagets.