Jennylyn: Akala ko hindi na ako makakabalik nu’ng nabuntis ako

JENNYLYN MERCADO AT COCO MARTIN

Inakala ni Jennylyn Mercado na mawawalan na siya ng career nang mabuntis siya noon kay Jazz at mawala nang ilang taon sa showbiz.

Ito ang inamin ng Kapuso Ultimate Star nang humarap siya sa press pagkatapos pumirma ng bagong exclusive contract sa GMA 7. Aniya, hinding-hindi niya makakalimutan ang 2008 dahil ito ang taon na ibinandera niya sa publiko na buntis siya sa anak nila ni Patrick Garcia.

“Nu’ng mga times na hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik at kung kaya ko pa bang humarap sa mga tao…” ang umiiyak na pahayag ni Jen.

“Yung 16 years na iyon na nasa GMA ako, doon ko napatunayan na hindi lang nila ako tinrato as an artist, tinrato nila ako na parang anak, na parang pamilya.

“Sa lahat ng moments na akala ko hindi na ako makakabalik, nung nabuntis ako, nung nagkaroon ako ng anak, tinanggap nila ulit ako nang maluwag. Tinanggap nila ako nang buung-buo at hindi nila ako pinabayaan,” lahad ng TV host-actress.
Wala rin siyang pinagsisisihan sa lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay, “Kung may pinagsisisihan ako, kung meron man akong nagawa noon na hindi ko sinasadya, hindi tama, siguro tama lang na pinagdaanan ko siya kasi marami akong natutunan don sa mga pagsubok na iyon.”

Samantala, umaasa naman ang fans ni Jennylyn na makakapasok sa 2019 MMFF ang pelikula nila ni Coco Martin kasama si Ai Ai delas Alas. Excited na si Jen sa movie dahil napakaganda raw ng role niya rito bukod pa sa first time niyang makakasama sa pelikula sina Coco at
Ai Ai.

Read more...