“AYOKONG maging bobo!” Yan ang diretsong sagot ni Angelica Panganiban sa mga fans na umaasa pa ring magkakabati sila ni Carlo Aquino.
May mga CarGel supporters pa rin kasi ang nagdarasal na muling manunumbalik ang magandang samahan ng dating magkarelasyon matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng dahil umano sa panloloko ng aktor.
Isang netizen ang nag-post sa Instagram ng litrato kung saan makikitang magkasama sina Angelica at Carlo with their other friends. Marami ang nag-comment na love nila ang CarGel at pati sila ay umaasang muling magtatambal ang dalawa sa TV or movie.
“Kahit minsan Lang… mabuo ang pamileh,” ang tweet naman ng isang fan ng CarGel. Dito na sumagot si Angelica at ipinagdiinan na hindi siya “bobo” para makipagkita ulit kay Carlo.
Matapang na sey ni Angelica, “Nope. Sorry. Spare me. Si khang at si josh lang ang tinuturing kong pamilya.
“Gusto kong maging mabuting tao. Pero ayokong maging bobo,” halatang galit na galit pa ring pahayag ng aktres.
Ang tinutukoy niyang Josh at Khang ang common friends nila ni Carlo na nakatrabaho na rin nila noon. Ang dalawang personalidad din ang nabanggit noon ni Carlo na nadadamay sa pamba-bash sa kanya ng CarGel fans.
Kung matatandaan, umasa ang madlang pipol na magkakabalikan sina Angelica at Carlo matapos nilang gawin ang pelikulang “Exes Baggage.” Bukod sa pagbabakasyon nila together sa Japan noong November, 2018, magkasama rin silang nag-celebrate ng Christmas last year.
Pero pagsapit ng January, 2019 sunud-sunod ang hugot post ni Angelica tungkol sa isang taong manloloko at paasa. Kasunod nito ang paglabas ng mga litrato ni Carlo sa social media kasama ang non-showbiz girl na kuha sa isang resort sa La Union.
Hanggang sa kumpirmahin na ng Kapamilya actress na hindi na sila nag-uusap ni Carlo dahilan para ma-bash siya ng mga fans ni Angelica at tinawag na playboy, manggagamit, paasa at kung anu-ano pang masasakit na salita.