Matapos i-veto ni Duterte, Villanueva muling inihain ang Anti-Endo bill

MULING inihain ni Senator Joel Villanueva ang Security of Tenure bill, matapos namang i-veto ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Villanueva na kahalintulad lamang ang probisyon ng Senate Bill No. 806 na sinertipikahan bilang urgent ni Duterte noong Setyembre 2018.

“Kaya the same because we wanted to find out from the President’s men or the officials na nag-influence sa Pangulo na i-veto ito para i-pinpoint nila kung anong particular provision ‘yung may problema sila,” sabi ni Villanueva.

Ito’y matapos namang i-veto ni Duterte ang panukalang batas na naglalayon sanang wakasan ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

Nakatakda sanang mag-lapse bilang batas ang panukala noong Hulyo 27, 2019.

Read more...