ISANG low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ngayong umaga ang LPA ay nasa layong 380 kilometro sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Posible umanong maging bagyo ang LPA na ito subalit hindi na inaasahan na magla-landfall. Papunta ang LPA sa direksyon ng Hainan, China o hilagang Vietnam.
Patuloy namang nakakaapekto sa bansa ang Hanging Habagat na nagdadala ng pag-ulan.
MOST READ
LATEST STORIES