Usapang Milk Tea: Brown sugar mas healthy nga ba kaysa white sugar?


MARAMI ang pumipili ng brown sugar na inihahalo sa kanilang milk tea kaysa sa brown sugar dahil mas healthy raw ito.

Ayon sa article ng Mount Alvernia Hospital, isang ospital sa Singapore, ang isang 500 milliliter milk tea with brown sugar and pearls ay may 18.5 teaspoon ng asukal.

Ang 500 milliliter ng milk tea na mayroong pearls pero walang asukal ay mayroon pa ring walong teaspoon ng asukal.

Sa isinagawang pag-aaral, ang mga honey pearls o brown sugar syrup na nauuso ngayon sa mga milk tea ay may mataas na concentration ng asukal, lagpas sa walo hanggang 11 teaspoon ng asukal na kailangan ng isang adult sa isang araw.

Ang brown sugar milk tea with pearls umano ang mayroong pinakamataas na sugar content sa kasalukuyan. Sinundan ito ng winter melon tea na mayroong 16 na teaspoon ng asukal.

Sa usapin naman ng calorie content ng bubble tea toppings, ang milk foam ay mayroong 203 calories samantalang ang cheese foam ay mayroong 180 calories.

Hindi naman sinabi ng ospital na dapat ipagbawal o itigil na ang pag-inom ng milk tea. Ang sinasabi nila ay mayroong healthier option ang mga bubble tea lovers.

Inirerekomenda ng ospital ang pagpili ng milk na mas mababa ang calorie toppings o kung maaari ay toppings-free. Pwede naman kasi ang plain tea kung carry ng panlasa mo.

At siyempre bawasan ang asukal na ipalalagay.

Read more...