Gretchen tuloy ang pambu-bully sa mag-inang Marjorie at Julia | Bandera

Gretchen tuloy ang pambu-bully sa mag-inang Marjorie at Julia

Cristy Fermin |July 29,2019
facebook
share this

Gretchen tuloy ang pambu-bully sa mag-inang Marjorie at Julia

Cristy Fermin - July 29, 2019 - 12:20 AM


NAPAKASAKIT para kay Julia Barretto ang pagla-like ng kanyang Tita Gretchen sa post ni Bea Alonzo pero mas masakit ang malaman niyang pinadalhan pa ng flowers ng kapatid ng mommy niya ang aktres.

Super-sakit ’yun para sa kontrobersiyal na young actress dahil mismong kadugo niya ay hindi niya kasama sa laban ngayon, sa kabilang panig kumampi ang kanyang tiyahin, siguradong umaaray si Julia sa ginawa ni Gretchen.

At siguradong matindi ang naging tama ng ginawa ni Gretchen sa kanyang ina, nagpupuyos sigurado ang damdamin ngayon ni Marjorie, dahil sa halip na manahimik na lang ay nagpakita pa ng suporta ang kanyang kapatid kay Bea.

Hindi nga lang ito rigodon ng pag-ibig, naapektuhan din ng isyu ang magkakapamilya, nakahanap ng butas si Gretchen para buwisitin ang kapatid nitong si Marjorie.

Kung babalikan ang nakaraan ay nagkaroon ng away sina Gretchen at Marjorie. Kumampi kay Greta si Claudine. Kainis nga ni Marjorie dahil dati’y sila ni Claudine ang magkakampi pero bigla na palang lumipat sa kabila ang kanilang bunso.

Kaya walang maaasahang suporta sa labanang ito si Julia mula sa kanyang Tita Gretchen. Kahit aso o pusa ang kanyang katunggali ay siguradong hindi pa rin siya kakampihan ng bully niyang tiyahin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending