Digong bibisita sa Batanes

BIBISITA ngayong araw si Pangulong Duterte sa Batanes para personal na malaman ang sitwasyon sa lalawigan matapos naman ang nangyaring paglindol nitong Sabado na naging dahilan ng pagkasawi ng walo katao at pagkasugat ng dose-dosenang iba pa.

Nakatakdang magsagawa ng briefing ang lokal na pamahalaan ng Batanes at iba pang ahensiya ng gobyerno kaya Duterte sa Basco, Batanes Airport para iparating sa pangulo ang tindi ng pinansalang dulot ng lindol at masimulan ang muling pagbangon ng lalawigan

Kaugnay nito, muling nagpahayag ang Palasyo ng pakikiramay sa pamilya ng  mga nasawi sa lindol.,

“The Palace offers its deep condolences to the families of those who lost their loved ones during the earthquakes that hit Batanes. We send our sincerest prayers for the fast and speedy recovery of those who were injured,” sabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Idinagdag ni Panelo na inatasan na ng Malacanang ang lahat ng mga ahensiya na magbigay ng kaukulang ayuda sa mga apektado ng lindol.

Nangyari ang magnitude 5.9 na lindol sa Itbayat, Batanes ganap na alas-7:37 ng umaga kung saan walo ang namatay at 60 iba pa ang nasugatan.

Read more...