ANG mag-inang Marjorie at Julia Barretto nga kaya ang pinatatamaan ni Claudine Barretto sa panibagong hugot na ipinost niya sa social media?
May matinding mensahe kasi si Claudine tungkol sa isang taong umano’y manggagamit at naaalala lang daw siya kapag may kailangan.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng quote card si Claudine kung saan nakasulat ang mga katagang, “Oh I’m sorry. I forgot I only exist when you need something.”
Nilagyan pa niya ito ng caption na, “I’m done! I can only do and take so much.”
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Claudine tungkol sa pinatatamaan niyang “user” pero ang paniwala ng kanyang fand and followers, para raw ito sa kapatid niyang si Marjorie at nadamay na nga pati ang pamangkin niyang si Julia.
Mas lalo pang nabahiran ng intriga ang post ni Claudine nang magkomento ang eldest sister nilang si Gretchen na tila kumukumpirma sa hula ng netizens.
“Correct. Do not allow others to abuse your kindness. Is it the mother daughter team (laughing emoji)?” ang hirit ni Gretchen na tila nang-aasar pa.
Sinagot naman ito ni Claudine ng, “Thank God I have you.”
Kung nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan sina Gretchen at Claudine noon pero kamakailan nga lang ay nagkaroon sila ng chance na makapag-usap hanggang sa tuluyang magkabati.
“It’s something I could not admit to anybody, I couldn’t even talk about Claudine for the longest time but that day I found myself just uttering the truth.
“No pride, no whatsoever. I wasn’t thinking of whatever happened in the past. All I remember was I held her in my arms…I just embraced her and I said ‘I’m sorry,’” ang mensahe pa ni Gretchen nang magkabati sila ng kapatid.
At ngayon nga ay mukhang pinagtutulungan na nila si Marjorie. Hanggang ngayon ay bad trip pa rin si Gretchen sa kanyang sisteraka pati na sa kanyang mga magulang.