Resbak ni ANGELICA sa mga laitera: Kung asar sila sa mukha ko, lalo ko pa silang aasarin!!!

WALA talagang kadala-dala itong si Angelica Panganiban, ‘no! Patol kung patol pa rin ang drama niya sa mga nanlalait at nanghaharas sa kanya sa Twitter at Instagram.

Sa isang interview, sinabi ni Angelica na nag-eenjoy siyang asarin ang mga bashers at haters niya sa mga social networking sites. At hindi raw siya titigil sa kakapatol sa mga ito hangga’t patuloy ang pang-ookray sa kanya.

“Feeling ko kasi kung kaya nila mang-asar, ganu’n lang din gagawin ko sa kanila. Kung naaasar sila sa mukha ko e di ilalagay ko ng ilalagay mukha ko, magse-selfie ako ng magse-selfie.

Kung ayaw nila ako makita e di huwag nila akong i-follow, pero nagpa-follow naman sila at nagko-comment,” chika ni Angelica sa interview ng CinemaOne News.

Pero paliwanag nga ng girlfriend ni John Lloyd Cruz, kesa nga naman mabwisit siya sa mga ito, gagantihan na lang daw niya sa pamamagitan nang pang-iinis din, “I think isa yun sa mga nakakatuwang bagay sa akin dahil isa yun sa advantage ng personality ko, kaya ko siyang i-treat ng ganu’n, di na tulad ng dati.

“I can say nag-mature na ako pagdating sa pag handle sa kanila. Sanayan lang siguro yon,” sey pa ng aktres. Dagdag pa nito, “Grabe minsan pag may time talagang tinitingnan ko, tawang-tawa ako.

Oh my god, nakakatawa sila mag-comment. Meron kasi talagang feeling ko profession yun, may mga ganu’n talagang tao. Mamba-bash ako ng artista para mapansin ako.

Oo, kinaka-career nila. Nakakatuwa naman may paninindigan sila.”  Malaki rin daw ang nagawa ni Lloydie sa pagbabago ng pananaw niya sa buhay, lalo na sa mga naninira sa kanila sa pamamagitan ng internet, “Siguro masyado siyang (John Lloyd) mahinahon na tao at na-aadapt ko minsan.

Maiinis ako sa isang bagay, ‘di naman basically sa social media. Kunyari may ikakairita ako, siya yung, ‘O, wag ka na ng ano’, natutunan ko naman.

“Ginaya ko naman siya at mas maganda. Gigising ako sa umaga na pleaseant, matutulog akong happy. Hindi lang naman dahil sa kanya, siguro malaking bagay yung nagagawa niya sa akin kung paano niya tingnan ang life and nase-share niya sa akin.

“Nagiging ganu’n din pananaw ko kung paano ako magtrabaho kung paano ko i-treat yung taong ayaw sa akin, kung paano ko dapat ma-appreciate ang buhay. You only live once, piliin mo kung ano tama at masaya para sa ‘yo,” paliwanag ni Angelica.

( Photo credit to google )

Read more...