INISA-ISA ni Maine Mendoza ang laman ng kanyang bag sa latest post niya sa Instagram Stories.
Sa kanyang caption, nakalagay na lalabas siya kasama ang mga kaibigan. Mukhang may gimik sila ng kanyang barkada.
Ilan sa laman ng kanyang bag ay wet wipes, tissue, perfume, lip balm, lip tint at alcohol, “That’s in my bag” saad ni Meng.
Of course, may dala rin siyang wallet, spot it card game at isa pang reserbang card game.
Anyway, kahapon ang bonggang selebrasyon ng 40th anniversary ng number one noontime show ng GMA, ang Eat Bulaga.
Isa si Meng sa sasabak sa game na “Rush For Win” at makakalaban niya ang ibang female Dabarkads na sina Pia Guanio, Luanne Dy habang si Ciara Sotto ang kapalit ni Pauleen Sotto habang ang anak ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino ang hahalili sa kanya.
Basta para sa Eat Bulaga, go lang nang go ang Phenomenal Star at walang reklamo, huh!