Thea, Arra kinakarir ang karakter sa ‘Madrasta’

ARRA SAN AGUSTIN AT THEA TOLENTINO

Speaking of Arra San Agustin and Thea Tolentino, puspusan na ang kanilang paghahanda para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Madrasta.

Makakasama rin nila rito sina Juancho Trivino, Manilyn Reynes at Gladys Reyes. Nandiyan din sina Isabelle de Leon, Anjo Damiles at Divine Aucina.

Base sa mga behind-the-scenes photos na kumalat online, mukhang intense na mga eksena agad ang kinunan ng cast! At siyempre, kaabang-abang din ang magiging mga karakter nina Arra at Thea sa serye.

Ayon sa dalawang Kapuso stars, siguradong magugulat ang mga manonood sa kanilang mga karakter sa serye kaya naman talagang kinakarir nila ang bawat eksenang pinagagawa sa kanila ng kanilang direktor.

Read more...