Manika ng Guy & Pip sinaniban sa TBATS; waxing salon attendant pinagtripan ni Sef

SEF CADAYONA

TULOY-TULOY pa rin ang pagpapasabog ng good vibes ng favorite n’yong tambayan tuwing Sunday night, ang The Boobay And Tekla Show.

Pinahahalagahan nina Boobay at Super Tekla ang “State of the National Amusement” (SONA) kaya linggo-linggo ay sinisiguro nila na magiging maligaya ang inyong weekend.

Para simulan ang latest episode, bibigyan kayo ng TBATS ng isa pang nakakaaliw na KMJS parody.

Natatandaan n’yo pa ba ng sikat na love doll nina Guy at Pip na si Maria Lenora Theresa? Matagumpay na nahanap ng programa ang manika at ayon sa isang “paranormal expert” ang nasabing ceramic doll ay possessed.

Sa nakaka-excite namang “Talas-tasan” game, fresh at talentadong Kapuso actresses ang magtutunggalian. Ang Team Boobay ay kinabibilangan nina Kyline Alcantara at Therese Malvar samantalang magiging bahagi naman ng Team Tekla sina Arra San Agustin at Thea Tolentino.

Siguradong hindi n’yo rin kakayanin ang “Pranking In Tanden” tonight with Bubble Gang actor Sef Cadayona. Ipa-prank niya ang isang waxing salon attendant katulong ang TBATS hosts.

Sa “TBATS on the Street,” sasagutin ng mga namamalengke ang tanong na “Kailan ka huling nasarapan?”

At siyempre, sa paborito ng lahat na “Dear Boobay and Tekla,” isang hunky Filipino-Australian model na nagbigay ng sulat ang haharap sa audience ng The Boobay And Tekla Show.

Mula simula hanggang dulo, tanging ang the best live entertainment lamang ang ibinabahagi ng programa sa Kapuso viewers kaya huwag aabsent sa The Boobay And Tekla Show ngayong gabi pagktapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read more...