Rakistang kapatid ni Marion Aunor umaariba

LALA AUNOR, COOL CAT ASH AT MARION AUNOR

Uy, alaga ko na rin ngayon ang bunsong kapatid ni Marion Aunor na si Ashley, na mas kilala sa kanyang artist name na Cool Cat Ash.

Nag-sign kami ng contract sa Star Music kung saan inilagay ang klase ng kanyang musika sa DNA Music, subsidiary ng naturang music
label.

Pop rock and alternative rock ang genre ni Cool Cat Ash whose single “Mataba” talks about her advocacy on body shaming and body positivity.

Magkaiba man sila ng genre ng ate Marion na isa namang contract artist ng Viva Records, madalas naman silang mag-collaborate sa mga projects.

Bilang isa ring songwriter si Marion, si Ashley naman ang nagpu-produce ng kanyang mga compositions being herself a student of Berkely Music on music production.

In fact, si Cool Cat Ash ang producer ng latest single ni Marion na “Delikado”, na siyang gagamiting sound track ng pelikula nila Anne Curtis at Marco Gumabao na “Just A Stranger.”

Kaya naman super proud at masaya ngayon ang ever supportive mom nilang si Lala Aunor dahil noong birthday niya (July 25) ay naging ganap na ngang recording artist si Cool Cat Ash.

At magkasunod na ngayong ume-ere sa mga radio at digital platforms like Spotify, I Tunes at iba pa ang rock na rock na kanta niyang “Mataba” at ag single ni Marion na “Delikado.”

Congratulations sa mga talented babies ko! Sana po ay suportahan din natin ang mga musika nila.

Read more...