Babaerong hunk actor pinagmumura muna ni female personality bago nakipaghiwalay

SA tapos nang relasyon ng isang pamosong hunk actor at ng isang kilalang female personality ay ang babae ang nakipaghiwalay sa lalaki.

Ang dahilan, hindi na kinaya ng girl ang mga kadramahan ng kanyang karelasyon, buking na buking na nga niyang nambababae ito pero palagi pa ring nagdedenay.

Matapang ang babae, hindi siya kayang talunin ng male personality sa argumento, kaya sa hiwalayan nauwi ang kanilang relasyon.

Chika ng aming source, “Naku, nakatagpo ang hunk actor na ‘yun ng katapat sa girl! Hindi niya kaya ‘yun!

Dumadagundong ang tapang ng babaeng ‘yun!

“Nabubuwisit na kasi ang girl dahil sa dami ng mga dahilan ng boyfriend niya. Magkikita dapat sila, pero hindi puwede ang guy. Marami raw siyang trabaho pero wala naman siyang ginagawang project.

“Kesyo may pupuntahan siyang fiesta, pinakiusapan daw siyang maglaro ng basketball ng mga kaibigan niya, nu’ng itsek naman ng girl, walang fiesta!” umpisang chika ng aming impormante.

Mula nu’n ay sinubaybayan na ng aktres ang mga galaw ng kanyang boyfriend. Kapag sinabi ng lalaki na aalis ito ng bahay, nu’n naman pupunta sa house ng aktor ang girl, dahil siguradong may milagro siyang matutuklasan.

Patuloy ng aming source, “At totoo nga ang kutob ng girl! Nandu’n lang sa house niya ang guy, hindi umalis, pero merong hinihintay! Mahilig talaga ang lalaki, hindi lang sa pagte-take out ng food siya mahilig, kundi pati sa pagte-take home ng mga kababaihan!

“Buking ang lalaki! So, ano ang sumunod niyang gagawin? Kunwari, e, maliligo lang siya, pero tatawagan na niya ang babaeng kausap niya na huwag munang magpunta sa house niya.

“On call ang girl! Waiting sa tawag niya kapag puwede nang magpunta sa housing authority niya! Ganu’n kahilig ang lalaking ‘yun na meron na ngang karelasyon, pero marami pa ring tinitikmang ibang putahe!

“Narindi na ang girl, iniwan siya, at hindi siya pinanghinayangan! Isang malutong na mura lang ang sinabi sa kanya ng girl, hindi niya kayang tapatan ang tapang nu’n!

“Kita n’yo naman ang tapang niya sa isang seryeng ginawa niya, di ba? Wala siyang inuurungan, kesehodang pinagtutulung-tulungan siya! Kapangalan niya ang isang mabangong sabon!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Read more...