Maja masaya ang lovelife, bongga ang career

MAJA SALVADOR

MASAYA ang personal na buhay ni Maja Salvador at patuloy ding bumubuhos ang blessings sa kanyang showbiz career.

Kaya naman hangga’t maaari ay ayaw na niyang mag-entertain ng mga kanegahan, ang gusto niya ay palaging good vibes lang dahil napakarami niyang dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Isa na nga rito ang bago niyang primetime series sa ABS-CBN, ang The Killer Bride kung saan makakatambal niya si Geoff Eigenmann.

Sa nakaraang presscon ng The Killer Bride, hindi naiwasang matanong si Maja tungkol sa ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson na kontrobersiyal ngayon dahil sa umano’y panloloko kay Bea Alonzo. Kalat na kalat na ang chika na ipinagpalit ng aktor si Bea kay Julia Barretto.

“Ayoko nang sumali. Masaya na ako! Sa akin, kung puwede lang, wala na ako diyan,” sagot ni Maja.

Dagdag pa ng dalaga, “Sana hayaan natin sila lahat mag-heal dahil hindi madali ang may pinagdadaanan.

“Kaya huwag na tayong sumabay, huwag na nating gatungan kasi at the end of the day lahat tayo tao, nasasaktan at marami tayong bagay na mas kailangan pang asikasuhin na importante.”

May regrets ba siya sa kanyang mga past relationships? “Wala, kasi choice ko rin naman.”

Masaya na si Maja sa kanyang businessman boyfriend na si Rambo Nuñez pero nakiusap siya na huwag na siyang tanungin tungkol sa kanyang personal life lalo na about Rambo dahil hindi naman daw ito showbiz na tao.

Samantala, sa The Killer Bride gaganap si Maja bilang si Camila dela Torre, isang babaeng kilala sa ganda, talino at busilak niyang puso. Gaganap naman si Geoff bilang si Vito dela Cuesta, ang lalaking magpapa-ibig kay Camila. Marami ang susubok sa kanilang pagmamahalan pero lalaban sila at magpapasyang magpakasal.

Ngunit isang iskandalo ang gugulat sa lahat dahil sa araw ng kasal ng dalawa, makikita si Camila na duguan sa tabi ng bangkay ng kapatid ni Vito na si Javier. Dito siya kasusuklaman ng lahat at babansagang “Killer Bride.” Kalaunan, mamamatay ito matapos masunog ang kulungang kinalalagyan.

Magiging malaking usap-usapan sa Las Espadas ang “killer bride” at kakalat ang haka-haka na may nakikita ang mga residente na babaeng duguan at naka-belong pangkasal. Magkakatotoo ang hiwagang ito sa pagdating ni Emma (Janella Salvador), ang babaeng magsasabing sumapi sa kanya ang kaluluwa ni Camila.

Marami ang magdududa kay Emma, at isa na rito si Elias (Joshua Garcia), isa sa mga tauhan ni Vito.

Dahil sa utang na loob sa mga Dela Cuesta, gagawin niya ang lahat upang proteksyunan si Vito mula kay Emma, lalo na’t sinasabi nitong sumasapi sa kanya ang kaluluwa ni Camila.

Ginagamit nga kaya ni Camila ang katawan ni Emma para sa kanyang paghihiganti kay Vito at sa mga Dela Cuesta? Ano nga bang magiging papel ni Elias sa buhay ni Emma?

Abangan ‘yan sa The Killer Bride sa ABS-CBN Primetime Bida, sa direksyon ni Dado Lumibao.

Read more...