Si crush di sinagot dahil takot sa nanay

DEAR Ateng Beth,
Ako si Mary Ann, 18 years old at taga-Iloilo City.
Ateng, meron po akong crush at crush niya rin po ako.
Nanligaw po itong crush ko sa akin pero hindi ko sinagot dahil natakot po ako na baka malaman ni mama kasi nga po ipinagbabawal talaga niya ang magka BF. Minsan na lang po sya nagte-text at nag-PM sa akin. Miss ko na siya, ano po ba ang gagawin ko? Need ko po advice n’yo. Thank you po.
Mary Ann

Mary Ann, isang magandang araw sa iyo. Kung hindi na masyadong nagbibigay ng pansin o oras ang crush mo sa iyo, malamang ay baka naisip niyang hindi ka interesado sa kanya.

Chances are sumuko na kasi nga sabi mo ay binasted mo na siya.

Eighteen years old ka na naman so it’s a decision on your part kung gusto mo talaga siya, then send him signals.

Kung sumuko agad, then baka hindi naman siya ganoon kaseryoso.

Ang taong totoong gusto ka, gagawin lahat, kahit maghintay kung gusto ka talaga. Just keep calm and wait.
Hanga rin ako sa iyo at may takot ka sa iyong mama at ininirespeto mo siya. Tama yan, iha.

Read more...