Bagong Miss Philippines title may problema pa | Bandera

Bagong Miss Philippines title may problema pa

Reggee Bonoan |July 26,2019
facebook
share this

Bagong Miss Philippines title may problema pa

Reggee Bonoan - July 26, 2019 - 12:06 AM

Habang sinusulat namin ito ay inaayos pa ng pamunuan ng Miss Philippines Foundation, Inc. beauty pageant ang papeles para sa nasabing titulo dahil nga may nauna nang may-ari ng Miss Philippines title base sa paliwanag ng legal adviser na si Atty. Early Joy Salunat.

Mas kapuri-puri ang management ngayon ng Miss Philippines Foundation sa pamumuno ni Mr. Victor Torre, Chairman at Presidente.

Pormal na ipinakilala sa media ang mga nanalong Miss Philippines 2018 sa Garden Room ng Marriot Hotel, Resorts World Manila nitong Miyerkules ng tanghali kabilang na sina Cheska Kai Apacible (Miss Tourism International); Samantha Coloso (Miss Face and Beauty International); Celine Negosa (Miss All Nation International); Angelic Ciolo (Miss Global City International) at Ayrra Averilla (Miss Polo International).

Si Cheska Kai ang nanalo ng Miss Charity Special Award sa nakaraang Miss Tourism Queen International 2019 Elite na ginanap sa China nu’ng nakaraang linggo.

Bukod dito ay ipinakilala rin ang 36 kandidata mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas na magkakaroon ng pre-pageant night sa Coron, Palawan sa Agosto 24-29, 2019.

Sinadyang sa Coron beach gawin ang swimsuit at ang long gown competition para isabay sa town fiesta (Agosto 29) at ipakita ang kagandahan ng isla sa national at international dahil magkakaroon din ng environmental services ang mga kandidata. Kaagapay ng producer ng Miss Philippines Foundation ang Coron Mayor na si Mario Reyes, Jr.

At sa Aqua World Garden Hotel and Restaurant sa Candelaria, Quezon naman gaganapin ang evening wear competition at ang coronation night ay sa Okt. 13 na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater Resorts World Manila.

Ang nagsilbing host ng event ay ang aktres na si Alma Concepcion na naging Binibining Pilipinas International 1994 at nakatakdang lumaban ulit sa Setyembre, 2019 para sa Ms. & Mrs. Grand Universe beauty pageant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending