Seo Kang Joon bidang-bida sa thriller-drama na ‘Watcher’ 

Umere na last week ang bagong Korean thriller drama na Watcher starring Are You Human actor Seo Kang Joon with Han Suk Kyu and Kim Hyun Joo.
Kwento ang Watcher ng dalawang pulis at isang abogado na konektado sa isang nangyaring trahedya.
Bilang pulis, naging saksi si Seo Kang Joon sa isang pagpatay, samantalang bilang pulis, nasaksihan ni Han Suk Kyu ang nangyayaring katiwalian. Natunghayan naman ni Kim Hyun Joo ang mga kasinungalingan bilang isang abogado.
Bumuo ang tatlo ng isang internal anti-corruption team, na naglalayong malinis ang kapulisan. Nagsimula si Kang Joon bilang isang supporting role sa The Suspicious Housekeeper.
His major role came in 2014 via a romantic comedy series Cunning Single Lady, where he won Best New Actor in the 7th Korea Drama Awards.
Sinundan ito ng What Happens to My Family? (2014-2015); Splendid Politics (2015), To Be Continued (2015), at mga pelikulang “My Love, My Bride” (2014) at “Summer Snow”.
Naging bahagi rin si Kang Joon sa blockbuster series na Cheese in the Trap (2016) bago siya naging lead sa Entourage (2016), Are You Human? (2018) at The Third Charm (2018).
Kamakailan, bumisita si Kang Joon sa bansa para sa kanyang fan meeting kung saan niya pinakilig ang kanyang Pinoy fans.

Read more...