TNT KaTropa, Barangay Ginebra Gin Kings sisimulan ang semis duel

Laro Biyernes (Hulyo 26)
(Araneta Coliseum)
7 p.m. TNT vs Barangay Ginebra
(Game 1, best-of-five semifinals series)

KAPANAPANABIK na semifinals series ang inaasahan sa salpukan ngayong Biyernes ng gabi ng TNT KaTropa, ang No. 1 team matapos ang elimination round, at ang Barangay Ginebra Gin Kings, ang defending champion at pinakapopular na koponan sa liga ngayon.

At nakataya sa kanilang serye ang isang puwesto sa 2019 PBA Commissioner’s Cup finals.

Ang Game One ng kanilang best-of-five semifinals matchup ay magsisimula alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Magmumula ang TNT sa 108-72 panalo kontra Alaska Aces sa kanilang sudden death quarterfinals game noong Miyerkules ng gabi para umusad sa semis.

Nanaig naman ang Barangay Ginebra kontra Magnolia Hotshots sa kanilang best-of-three quarterfinals series, 2-0, kung saan nagtala ito ng 85-79 at 106-80 panalo.

Ang KaTropa ay pangungunahan ni Terrence Jones, Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario at Don Trollano.

Mamumuno naman para sa Gin Kings sina Justin Brownlee, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Stanley Pringle.

Read more...