Alden nakipag-bonding sa mga vendor sa Divisoria

ALDEN RICHARDS

Nakipag-bonding si Alden Richards sa mga market stall owners at vendors sa Divisoria kamakailan bilang bahagi ng paghahanda sa bago niyang serye sa GMA.

Nakasama rin ni Alden doon sina Jo Berry, Mikee Quintos at Betong Sumaya na sumailalim din sa immersion na game na game ring nakipag-selfie sa mga taga-Maynila.

Bago ito, nagpaalam muna ang mga Kapuso stars kay Mayor Isko Moreno para sa pagte-taping nila sa Divisoria at iba pang lugar sa Manila.
“We are grateful because you doing it here in Manila is one way of you helping us to promote the city of Manila again.

“That the city of Manila is now going by brand kaya maraming-maraming salamat sa GMA,” ani Isko.

Read more...