Lethal injection ibabalik

INIHAIN ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Sa ilalim ng House bill 2026, ibabalik ang paggamit ng lethal ejection sa pagpapatupad ng parusa.

“Crimes disturb the order of society. The alarming rise of heinous crimes in out country calls for the re-imposition of the capital punishment. The death penalty is said to be the strongest deterrent society has against such crimes. It aims to restore order and adequately punishes criminals. The death penalty also serves as retribution for victims and their families,” ani Barbers.

Sinabi ni Barbers na mahalaga na mapigilan ang paggawa ng krimen lalo na kung ito ay karumaldumal at makatutulong ito sa pagbabalik ng parusang bitay.

If criminals charged guilty of committing heinous crimes are sentenced to death and executed, potential criminals will think twice before committing crimes for fear of losing their own life,” dagdag pa ni Barbers.

Sinabi naman ni House minority leader Bienvenido Abante na magkakaiba man ang opinyon ng mga miyembro ng minorya sa pagbabalik ng parusang kamatayan nagkakaisa umano sila na tutulan ang mararahas na paraan ng pagpapatupad nito.

 Ayon kay Abante, isang pastor, bagamat pabor siya sa pagbabalik ng death penalty dapat ay ipatupad ito sa katanggap-tanggap at makataong paraan.

“I will support the reimposition of the death penalty but I’ll oppose any method that is cruel, inhuman and degrading. The minority might be divided in the issue of the death penalty but we are one and united to oppose all kinds cruelty, inhuman and degrading ways of implementing it.”

Read more...