Inihain ng mag-asawang sina House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Sinirangan Rep. Yedda Marie Romualdez ang House bill 1157 upang bigyan na rin ng kapangyarihan na magpawalang-bisa ng kasal. Sa kasalukuyan ay maaari lamang makakuha ng annulment sa korte.
Priests, pastors, imams and rabbis who solemnize marriage must have the authority to solemnize granted by the State. Therefore, if a marriage can be legitimately contracted under the laws of the Church, then it follows that under the same laws, such marriage can also be nullified or annulled,” saad ng panukala.
Punto pa ni Romualdez kamakailan ay nagpatupad ng reporma si Pope Francis kaugnay ng annulment sa Simbahang Katolika upang maging simple ang proseso.
Sinabi ni Romualdez na sa ilalim ng Presidential decree 1083, kinikilala ng bansa ang paghihiwalay ng mag-asawa sa ilalim ng Shari-ah law, alinsunod sa Qur’an.
“Under the principle of equality before the law, if a Muslim divorce is recognized , there can be no serious objections towards the recognition of the civil effects of a marriage by an established and duly recognized religious denomination.”