3 kilalang aktres tinuhog ng mayamang negosyante


SHOCKING galore kami sa tsika ng aming source na may tatlong aktres na iisa ang benefactor – isang mayamang businessman na may naunang karelasyong taga-showbiz din.

Ang tatlong aktres ay nagbida na sa kani-kanilang teleserye at pare-pareho namang tumagal sa ere dahil pawang nag-rate ang mga ito.

Nagulat kami sa isang aktres dahil hindi namin akalain na pumatol siya sa mayamang businessman gayung bata pa siya kung ikukumpara sa dalawang aktres dahil mas matanda sa kanya ng ilang taon.

‘Yung ikalawang aktres ay hindi na kami nagtaka na pumatol sa rich businessman dahil madalang naman siyang magkaroon ng project ngayo. E, paano niya bubuhayin ang pamilya niya lalo’t breadwinner siya.

Kaya pala walang nababalitang may boyfriend siya dahil “taken” na siya.

Nakakagulat din na pumatol ang ikatlong aktres sa kilalang negosyante, hindi pa ba sapat ang kinikita niya sa kanyang mga project? Ang alam namin, hindi naman siya ang bread winner sa kanilang pamilya.

“Lifestyle rin, saka baka mas malaki ang bigay ni ___ (benefactor) kesa sa suweldo niya sa programa,” sabi ng aming source.

Dagdag tsika pa sa amin, “Hindi mo ba pansin, sina ____ at ____ (pangalan ng dalawang aktres) iba ang bagsak ng katawan, e, wala namang mga boyfriend. Si ____ (mas batang aktres) hindi pa masyado kasi bata pa, kapag hindi siya nag-ingat matutulad din siya sa dalawa.”

Sige kapag nakita namin ang tatlo, oobserbahan namin ang kanilang katawan.

Read more...