SIGURADONG magiging box-office sa takilya kapag nagsama sa pelikula sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.
Sina Nadine at Kathryn ang sinasabing Nora Aunor at Vilma Santos ng kanilang henerasyon kaya marami ang nagsasabi na sure win na sa box-office kung gagawa sila ng movie together. Sila kasi ngayon ang humahakot ng awards sa pagka-best actress kaya madalas na pinaglalaban ng fans.
Parehong bukas sa posibilidad ang dalawang aktres na makagawa ng pelikula in the future. Ayon kay Nadine, isang malaking karangalan ang makatrabaho si Kath.
“Bakit naman po hindi, ‘di ba? Kung mayroon namang magandang material para sa aming dalawa. I mean hindi naman kami (magkaaway), okay naman po kami e hindi naman kami nag-aaway in real life. So I guess, okay naman,” chika ng girlfriend ni James Reid.
This year alone, may tatlong best actress award na si Nadine, “I guess maybe, it’s my time lang now, I don’t think it’s going to be forever like that. Like what I said before, iba-iba kami pero baka ngayon lang siguro ‘yung moment ko, next time iba naman.”
Samantala, wala ring problema kay Kathryn kapag pinagsama sila ni Nadine sa isang project, “Game ako, basta may magandang materyal, okay sa VIVA Artist (Agency), okay sa Star Magic. Kasi may mga proseso ‘yan, hindi naman porke’t gusto natin, pwede na agad.
“Pero kung ako personally, basta may magandang materyal, yes!” chika ng girlfriend ni Daniel Padilla.
Wala rin daw competition sa kanila ni Nadine, lalo na sa pagiging best actress sa iba’t ibang award-giving bodies this year, “Happy ako na nakuha niya ‘yung best actress, happy din ako sa nangyari sa akin. Ang mga fans lang naman ang gumagawa ng ganyang issue, pero personally sa amin dalawa, hindi kami nagkakasama off-cam, pero okay kami.”
q q q
Speaking of Nadine, ibang challenge naman ang na-experience niya sa bago niyang pelikula under Viva Films ang dance movie na “Indak” kasama si Sam Concepcion.
Ito na ang ikalawang pelikula niya na hindi katambal si James, “It’s different naman this time. Hindi naman puwedeng laging magkasama kaming dalawa (ni James). It’s also a stepping stone that you grow together and you grow apart. It’s nice enough na wala si James, at least I have my own.”
Si Sam naman ay best friend ni James kaya hindi na nag-adjust nang bonggang-bongga ang dalaga working with him sa “Indak.”
“Ako natutunan ko kay Sam, to be yourself and to be comfortable with your body. Kaya ako naman, sobrang comfortable na ako with what I do,” aniya.
Sa pelikulang “Indak”, ginagampanan ni Nadine ang role ni Jen, isang dalagang naninirahan sa isla na may simpleng pangarap. Pero dahil sa galing niyang sumayaw, magkakaroon siya ng chance na maipakita ito sa mundo. Sa tulong ni Vin, (Sam), na leader ng isang dance group, makukumbinsi siyang abutin ang kanyang pangarap at sumali sa isang world dance competition.
Showing na ang “Indak” sa Aug. 7 sa direksyon ni Paul Alexei Basinillo.