Gerald umamin na raw kay Dennis, hiniwalayan si Bea para kay Julia? | Bandera

Gerald umamin na raw kay Dennis, hiniwalayan si Bea para kay Julia?

Reggee Bonoan |July 25,2019
facebook
share this

Gerald umamin na raw kay Dennis, hiniwalayan si Bea para kay Julia?

Reggee Bonoan - July 25, 2019 - 12:05 AM

ITULOY pa kaya ni Marjorie Barretto ang pagsasampa ng kaso laban sa netizen na si @cabrera.kath?

Ito ang naglabas ng litratong magkasama sina Gerald Anderson at anak ni Marjorie na si Julia Barretto na kuha sa birthday party ni Rayver Cruz noong Sabado, Hulyo 20, sa isang bar sa Bonifacio Global City.

Pero may lumabas sa isang online entertainment portal na umamin na raw si Gerald sa tatay ni Julia na si Dennis Padilla na nililigawan niya ang aktres.

Kung totoo ito, ibig sabihin vindicated ang netizen sa mga litratong inilabas niya sa social media na nagkuwento rin ng mga eksena nina Gerald at Julia habang papunta raw sa parking lot mula sa venue ng party ni Rayver.

Nabanggit pa ni Marjorie sa kanyang post, “This is not a DATE!” dahil nga nagkita lang daw sa party sina Julia at Gerald at sinamahan lang ng aktor ang dalaga sa parking lot.

Ipinagtanggol din ni Dani Barretto ang kapatid na since magkaibigan at nagkatrabaho ang dalawa hindi ba pwedeng nagkumustahan lang?

Pero paano nga nila dedepensahan ang umano’y ginawang pag-amin ni Gerald na nanliligaw siya kay Julia?

Sa pakiwari namin ay ipit na ang “Between Maybes” stars sa sitwasyon kaya inako na lang ito ng aktor at sinabing nanliligaw siya.

Pero ang sinabi niyang hiwalay na sila ni Bea Alonzo ay mukhang mahirap paniwalaan dahil hindi naman siguro magre-react ng ganu’n ang aktres kung hindi na sila ni Gerald, care ba naman niya, di ba bossing Ervin?

So, sila pa ni Bea ay nanliligaw na siya kay Julia? O, baka nga totoong nag-away sila ng una at nu’ng nakita ang mga litratong magkasama sina Julia at Gerald na ni-like pa ni Bea ay saka ito nag-post ng, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

E, teka paano naman ‘yung denial ni Julia na walang kinalaman si Gerald sa hiwalayan nila ni Joshua Garcia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending