Gretchen kumampi kay Bea; bad trip nga ba kina Gerald at Julia

GRETCHEN AT JULIA BARRETTO

MAY tampuhan nga ba ang magtiyahing sina Gretchen Barretto at Julia Barretto?

Yan ang tanong ng netizens matapos mag-like at mag-comment si Greta sa post ng kaibigan niyang si Bea Alonzo patungkol sa panlolokong ginawa sa kanya ng isang tao na pinaniniwalaang si Gerald Anderson.

Kabilang si Gretchen sa mga nag-post ng komento sa Instagram post ni Bea na, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

Hindi man diretsong binanggit ni Bea kung sino ang lalaking tinutukoy niya, ang paniwala ng kanyang fans and followers ay ang boyfriend nitong si Gerald Anderson ang kanyang pinatatamaan.

Sa isyung ito, nadamay naman ang Kapamilya actress na si Julia Barretto na itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at Bea. Talagang na-bash nang todo sina Gerald at Julia sa social media dahil sa pasabog na hugot ni Bea.

Ilan sa mga artistang nakisimpatya kay Bea ay sina Angelica Panganiban, Kris Aquino, Dawn Zulueta, Loisa Andalio, Andrea Brillantes, Isabel Oli at ang tiyahin ni Julia na si Gretchen.

Mensahe nito kay Bea, “I love you my dearest one (prayer hands, kiss mark, and heart emojis).”

Nagkasama sina Gretchen at Bea noon sa Kapamilya series na Magkaribal (2010).

Nagpaabot sila ng suporta sa Kapamilya actress na tila may pinagdadaanan kaugnay ng relasyon nila ni Gerald.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Gerald at Julia tungkol sa isyu.

Read more...