Barbie naka-100 sa videoke battle versus Julie Anne

BARBIE FORTEZA AT JULIE ANNE SAN JOSE

Tuwang-tuwa ang Kapuso star na si Barbie Forteza nang makakuha ng perfect score na 100 sa isang videoke challenge recently.

Ang isa lang naman sa mga nakalaban ni Barbie ay ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

Sa isang video na in-upload sa social media titled “Julie Sings the Divas Part Two,” mapapanood ang pagbirit ni Barbie sa mga kantang “Greatest Love of All” ni Whitney Houston at “Broken Vow” ni Lara Fabian.

Bukod kay Julie Anne, nakalaban din niya sa videoke challenge ang boyfriend na si Jak Roberto at ang kasamahan nila sa Sunday PinaSaya na si Gladys Guevarra.

Tili ni Barbie nang bumandera ang kanyang score na 100, “O! One hundred. ‘Broken Vow!’”

Read more...