Maine pumayag magpa-flu shot; inatake ng nerbiyos nang makakita ng karayom

RUBY RODRIGUEZ AT MAINE MENDOZA

NAGSAGAWA ng flu shot para sa Eat Bulaga Dabarkads nitong nakaraang araw at isa si Maine Mendoza sa nabigyan nito.

May video sa Instagram Stories ni Meng kung saan makikita ang ginawang pag-injection sa kanya.

Halatang kabado ang Dubsmash Queen habang binibigyan ng flu shot kaya naman sabi ni Ruby Rodriguez sa kanya, “Huwag mo kasing titigan!” Tinapik-tapik pa ni Ruby ang ulo ni Maine habang papatusok na ang karayom, huh!

Nalampasan naman ng Phenomenal Star ang flu shot kaya caption niya sa kanyang IG video, “Brave.”

Read more...