Tirso, Christopher ligwak; Phillip, Michael pumayag makasama si Nora sa gay movie

By Jun Nardo July 23,2019
share this

Tirso, Christopher ligwak; Phillip, Michael pumayag makasama si Nora sa gay movie

By Jun Nardo July 23,2019
share this

TULUYAN nang naligwak sina Tirso Cruz III at Christopher de Leon bilang kapareha ni Nora Aunor sa Joel Lamangan movie na “Isa Pang Bahaghari” mula sa Heaven’s Best Entertainment.

Sina Pip at Boyet ang unang target ni Direk Joel at ng producer na makasama ni Ate Guy sa movie na balak isali sa 2019 Metro Manila Film Festival. 

May temang kabadingan ang pelikula kaya siguradong magiging kontrobersyal uli ito tulad ng “Rainbow’s Sunset” ni Direk Joel.

Announcement pa lang ng project ay nagkaroon na agad ng kotrobersiya, lalo na nang lumutang ang balita na magsisilbi itong reunion movie nina Nora, Boyet at Tirso.

Apparently, hindi na nga natuloy ang dalawang aktor na naging bahagi rin ng buhay ni Ate Guy dahil naglabas na ng kumpirmasyon ang produksyon na nakuha  na sina Phillip Salvador at Michael de Mesa bilang kapareha ng Superstar.

Inaayos na rin ang iba pang magiging members ng cast ng pelikula na balak ngang isumite para sa 2019 MMFF bilang finished product at umaasa nga si Direk Joel na makapasa ito sa Selection Committee ng taunang pestibal.

Noong nakaraang taon, isa sa Final Four official entries ang “Rainbow’s Sunset” mula sa Heaven’s Best Entertainment na humakot ng awards at kumita rin sa takilya. Ito ang huling pelikula ni Eddie Garcia na ipinalabas last year bago siya pumanaw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending