#Lovewins: Nanay ng sikat na male celeb pinatunayang hindi pera ang habol ng dyowa

SINO ngayon ang magsasabing datung lang ang habol ng boyfriend ng pamosong ina ng isang sikat na male personality? Nagkamali ng paghusga sa kanila ang mga miron.

Maayos pa rin ang kanilang relasyon, may pinagkakaabalahan silang negosyo sa kanilang probinsiya, walang problema sa kanilang pagsasama.

Kuwento ng aming source, “Pahiya ang lahat ng mga nagsasabing hindi naman mahal nu’ng lalaki ang may edad nang mother nu’ng sikat na male perso-nality dahil hanggang nga-yon, e, masaya pa rin silang nagsasama.

“Wala silang problema, maayos ang relasyon nila, walang nababalitaang hindi maganda ang sikat na male personality tungkol sa lovelife ng mommy niya.

“Meron silang negosyong inaasikaso ngayon, pareho nilang tinututukan ang business nila, kaya walang masasabi ang mga miron d’yan na datung lang ni mommy ang habol nu’ng lalaki!” unang chika ng a-ming source.

Hindi na masyadong nagsasalita ngayon ang mommy ng sikat na male personality tungkol sa kanilang relasyon. Pinagbawalan pala siya ng kanyang boyfriend.

Balik-chika ng aming impormante, “Hindi dahil sa nahihiya siyang karelasyon ang may edad nang mommy ng sikat na lalaking personalidad, kundi dahil very private pala ‘yung guy!

“Ayaw niyang pinagpi-pistahan ang relasyon nila, ni ayaw nga niyang nagpapa-interview, tahimik na buhay lang ang gusto niya. Kaya ngayon, e, hindi na nagkukuwento pa ang wrangler nang mommy ng famous male personality tungkol sa kanilang relas-yon,” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

Ibang klase rin palang magdala ng relasyon ang mommy ng sikat na male personality. Maalaga siya sa kanyang boyfriend, palagi niyang inaasikaso ang lalaki, kaya nagtatagal ang kanilang relasyon.

“Kahanga-hanga ang mother ng bayan sa pag-aalaga sa boyfriend niya. Talagang hindi niya pi-nababayaan ‘yung lalaki, matindi siyang mag-alaga.

“At ganu’n din naman ang guy, mahal niya si mother, ayaw lang niyang naka-broadcast ang pagmamahalan nila,” pak na pak ‘yun, sagana sa pagmamahal si madir!

“Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino ang mga bumibida sa ating kuwento, baka naman maupo pa kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Read more...