NAKIUSAP si Nadine Lustre sa mga fans nila ni James Reid na huwag nang magalit o magsalita ng kung anu-anong kanegahan sa social media.
Marami kasing JaDine fans ang umano’y dismayado ngayon dahil ang tagal-tagal nang walang project together sina Nadine at James Reid.
Dalawang pelikula na ang nagawa ni Nadine ngayong taon na hindi si James ang kanyang katambal, una na nga ang “Ulan” with Carlo Aquino at ngayon nga ay ang “Indak” kung saan makakatambal naman niya si Sam Concepcion, na parehong mula sa Viva Films.
Nakausap ng entertainment media si Nadine sa nakaraang presscon ng “Indak” at dito nga niya sinabihan ang fans nila ni James na maghintay lang at darating din ang tamang panahon para sa kanilang reunion project. Ang hu-ling movie nila ay ang “Never Not Love You” last year na nagbigay na ng ilang best actress award kay Nadine.
“Well I get naman po ‘yun, medyo matagal naman na nga kami walang project ni James together sa big screen or kahit sa TV, but we don’t think, we should rush things. Ako po kasi naniniwala ako na may right timing for everything o so hindi naman kailangan magalit, ma-disappoint or anything, darating po ‘yun antayin lang natin,” pahayag ni Nadine.
Dagdag pa niya, “It’s different naman po this time kasi hindi naman po pwede na lagi kayo magkasama dalawa, it’s also stepping stone na you know, you grow together, you grow apart. So it’s nice din na wala si James kasi I have my own project.”
Samantala, excited na ang dalaga sa nalalapit na showing ng “Indak” na isang musical-dance movie kung saan muling patutunayan ni Nadine ang galing niya sa paggiling at paghataw on stage. Aniya, buwis-buhay ang mga ginawa nilang production numbers sa movie kung saan makakasama rin nila ang ilang asti-ging miyembro ng G-Force Dancers.
Ayon kay Nadine, naging malapit sa puso niya ang role niya sa movie dahil nakaka-relate siya sa mga qualities nito, “I guess sa experience ko po kasi portraying Jen, ‘wag po kayo matakot kung ani ‘yung dreams niyo, I-push niyo lang hanggang sa maabot niyo ‘yun.
“Kasi once na alam mo ‘yun nag-doubt ka sa sarili mo tapos umatras ka na, wala na. So forever na ‘yun mawawala sa ‘yo,” sey pa ng girlfriend ni James. “Parang istorya ko nga po ‘yun e,” dagdag pa niya.
Bukod kay Sam, ka-join din sa movie ang showbiz ro-yalties na sina Vito Marquez (anak nina Alma Moreno at Joey Marquez) at Race Matias (anak ni Herbert Bautista). Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang “Indak” simula sa Aug. 7, sa direksyon ni Paul Basinillo.