NARANASAN na rin sa wakas ni Dingdong Dantes ang sinasabing “Bitoy magic” sa pamamagitan ng special participation niya sa pelikulang “Family History.”
Nagpapasalamat siya sa GMA Pictures at sa Mic Test Entertainment na pag-aari ni Michael V dahil isinama siya sa pelikula. Pati sa mga promotional videos na ginawa nina Bitoy para sa movie, pakiramdam ni Dingdong ay nasa Bubble Gang siya.
“Doon ko talaga na-experience ‘yung magic ng Michael V, ‘yung magic ng Bitoy. Ito pala ‘yung nangyayari sa Bubble Gang. Ganito pala mag-gag si Michael kaya siya hanep,” ani Dong.
Sabi naman ni Bitoy, napakaraming mga nakakatawang eksena ang maaaring asahan sa “Family History” bukod pa sa mga pangkurot-pusong drama scenes nila ni Dawn Zulueta. Showing na ito sa July 24 nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.