NANANATILING walang tiwala ang mga Pilipino sa China, batay sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey noong Hunyo 22-26, nakapagtala ng -24 porsyentong net trust rating ang China, mas mababa sa -6 porsyento na nakuha nito noong Marso.
Tumaas naman ang net trust rating ng Estados Unidos sa 73 porsyento mula sa 60 porsyento.
Ang Canada naman ay nakapagtala ng 46 porsyentong net trust rating na bumaba mula sa 55 porsyento.
Ang Australia naman ay may 46 porsyentong net trust rating tumaas mula sa 46 porsyento.
Ang Japan naman ay may 45 porsyentong net trust rating tumaas mula sa 34 porsyento.
Ang Malaysia ay may 34 porsyentong net trust rating tumaas mula sa 15 porsyento.
Ang New Zealand naman ay may 38 porsyentong net trust rating. Huling nakasama ang New Zealand sa survey noong Setyembre 1995 kung saan nakapagtala ito ng -12 porsyento.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.