WALANG lugar ang mga pusher at supplier sa Maynila.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ito ang magiging polisiya ng lungsod para mapuksa ang iligal na droga.
“Drug pushers and dealers have no space in Manila,” sabi ni Moreno.
Nang tanungin naman si Moreno kaugnay ng mga masasawi dahil sa gera kontra droga, sumagot si Moreno ng, “Yong crimes and killings, I cannot guarantee kasi it can happen anywhere in this world.”
“Habulin lahat ang nagbebenta droga,” ayon pa kay Moreno.
Tiniyak naman na Moreno ang pagrespeto sa karapatang pantao.
“Igalang ang karapatang pantao, nino? Ng mga suspect,” sabi ni Moreno.
“Gamutin [at] tulungan ng estado ang mga biktima ng mga nagbebenta, pati yung mga adik, yung mga tamang hinala. Gamutin. Kalingain ng estado [at] ng syudad,” ayon pa kay Moreno.