Nadine aprub kay Jane bilang Darna: Happy ako na siya ang bago nating superhero

NADINE LUSTRE

DISMAYADO ang fans ni Nadine Lustre dahil hindi ang kanilang idolo ang napili bilang kapalit ni Liza Soberano sa “Darna”.

In fact, nag-trending pa ang pangalan ni Nadine nitong nakaraang araw matapos ibandera ng ABS-CBN at Star Cinema na si Jane de Leon na ang napili nila bilang bagong Darna.

May ilang JaDine supporters kasi ang umasa na ibibigay kay Nadine ang proyekto matapos ngang mag-back out si Liza due to finger injury. Bagay na bagay daw kasi sa girlfriend ni James ang role dahil Pinay na Pinay ang itsura nito.

Sa ginanap na presscon kagabi ng bagong pelikula ni Nadine, ang “Indak” na naganap sa dance studio ng G-Force sa Tomas Morato, Quezon City, natanong si Nadine tungkol sa pagkakapili kay Jane bilang Darna.

“It’s nice na yung imahe ni Darna, ako yung nakikita nila. But, I mean, in the very beginning po, like what I said, I was never expecting and I didn’t audition din naman po. So, okey lang naman.”

“I’m really happy na si Jane ang nakuha kasi I’ve seen her a couple of times through common friends. So it’s nice na siya na ‘yung bagong superhero nating lahat,” pahayag pa ng dalaga.

Im fairness naman kay Nadine, sinabi naman niya noon na walang imbitasyon sa kanya para mag-audition sa “Darna” at hindi rin siya sinabihan ng Viva Artists Agency na siyang namamahala sa kanyang career na mag-try sa audition kaya walang issue sa kanya kung hindi sa kanya ibibigay ang mahiwagang bato ni Darna.

Samantala, natanong din ang dalaga kung may pressure ba siyang nararamdaman sa nalalapit na showing ng “Indak” lalo na ngayong isa na siyang certified best actress.

Siya ang nanalong best performer sa Young Critics Circle, best actress sa 67th FAMAS Awards at sa 42nd Gawad Urian para sa pelikulang Never Not Love You.

“Honestly, I feel, like, kung lalagyan ko po siya ng pressure, baka lalo lang po akong mahirapan.

“Kasi, at the back of my head, kung iisipin ko lahat na kailangan kong i-please yung mga tao, kailangan mahigitan or at least mapantayan ko yung mga projects ko before, siyempre mahirap din para sa akin.

“So as much as possible, katulad nitong Indak, siyempre ito na yung after nang i-announce yung mga awards, enjoy lang.

“Yun lang naman po yung importante, as long as you love what you’re doing.

“Hindi mo idina-doubt yung work mo, yun lang naman po ang importante,” pahayag pa ni Nadine.

Showing na nationwide ang “Indak” sa Aug. 7nationwide sa direksyon ni Paul Basinillon under Viva Films. Makakatambal naman dito ni Nadine ang isa pang award-winning performer na si Sam Concepcion. 

Read more...