Luis balak mag-propose kay Jessy sa ilalim ng dagat?

LUIS MANZANO AT JESSY MENDIOLA

ISA sa mga pinakaunang celebrity friends who greeted me during my birthday last Monday, July 15, ay ang napakahusay na TV host na si Luis Manzano.

Nag-thank you kami kay Luis and as much as we wanted to ask him some questions, ‘di na lang namin itinuloy.

Ang dami kasing arya ng netizens after his guesting sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay with girlfriend Jessy Mendiola kung saan nila ipinagdiwang ang kanilang third anniversary.

Say nga ng Momshie ni Luis na si Lipa Cong. Vilma Santos-Recto who sent a special greeting sa kanila ni Jessy before she boarded her plane going to Japan, deadma na lang daw sila sa ibang tao as long as they’re both happy with each other.

At nakikita naman ngayon ni Momshie Vilma kung gaano kasaya si Luis sa piling ni Jessy. Say ng kongresista kay Luis, “You’re very, very happy and I would like to thank Jessy for making you very happy. And if there’s anything, nandito lang si Momski. We love you both.”

Bilang momshies rin, alam ng Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada kapag masaya sa buhay ang anak nila gaya ni Cong. Vilma.

“At siguro nakikita ‘yun ni Mommy sa akin ngayon. That’s why mahal na mahal niya ‘to (Jessy).

Nagkaka-text sila, nagkakausap sila. Kapag medyo lumulusog (ako), ayun, siya ang unang-unang kukurutin (ni Mommy),” lahad pa ng TV host.

Sinorpresa naman ng Magandang Buhay sina Luis at Jessy sa pag-apir ng kanilang instructor sa scuba diving na si Arlie Juarez. Tinanong ni Karla si Arlie kung may ideya or may gusto siyang lugar kung saan pwedeng mag-propose or pakasalan ni Luis si Jessy. May kinalaman ba raw ang diving sa magaganap na wedding?

“Oo naman,” sagot ni Arlie. “So, mayroon. Nag-uusap. Kasi ako excited para sa kanila, e. Sabi ko nga, ‘Ano bang plano n’yo?’ So, minsan, ‘Kailan ba tayo magpo-propose?’ Yun ang sabi ko kay Luis. ‘San ba natin gagawin? Akong bahala diyan. Basta sabihin mo lang kung kailan,” sabi ni Arlie.

So, alam na!

Read more...