John Lloyd kay Direk Cathy: Gawa uli tayo ng pelikula pagbalik ko…

CATHY GARCIA MOLINA AT JOHN LLOYD CRUZ

NATUHOG ni Kathryn Bernardo ang Best Actress award sa dalawang award-giving bodies ng entertainment press from her record-breaking film last year directed by Cathy Garcia Molina, ang “The Hows of Us.”

This is another affirmation for Direk Cathy sa husay niya sa paghulma ng mga award-winning actor aside from making box-office stars. Tiyak na masayang-masaya si Direk Cathy for Kathryn sa pagkakapanalo niya not once, but twice ng best actress.

Sakto rin ang pagkakapanalo niya sa nalalapit na pagpapalabas ng bagong movie nila ni Direk Cathy with Alden Richards showing on July 31, ang “Hello, Love, Goodbye.”

Walang duda na mas lalo pang lalakas sa takilya ang “HLG” with Kathryn’s winning the Best Actress from PMPC Star Awards for Movies at sa 2019 Eddy’s Choice. Kaya paano naman papayagan ng Star Cinema si Direk Cathy na balak na raw manirahan sa New Zealand?

“Yun pa rin ang pangarap ko. Hindi ko alam kung mare-realize. Pero yun pa rin talaga,” lahad Direk Cathy.

We wonder kung ano ang reaksyon ng boyfriend ni Direk Cathy sa pagkaantala ng pagalis nila papuntang New Zealand, “Suportado naman niya ako. Love ako noon, e,” pa-sweet na sabi ng direktor.

After ng Kathryn-Alden film, many are still hoping na makagawa na ulit ng movie si Direk Cathy with her favorire actor John Lloyd Cruz.

Kwento ni Direk Cathy, natuwa raw siya nang bigla siyang tawagan ni JLC bago pa niya umpisahan ang “Hello, Love, Goodbye.” “Sabi niya (John Lloyd), Ano ‘tong nababalitaan ko magre-retire ka na?”

Nagsabi raw si John Lloyd na gagawa ulit siya ng movie with Direk Cathy pagbalik niya, “Usapan namin pagbalik ko,” pagre-reveal pa ni Direk.

Sinagot din ni Direk Cathy ang tanong kung pupunta ba siya kapag ikinasal na si John Lloyd kay Ellen Adarna, “Ay, ‘di ko na alam yan. Kay John Lloyd na ‘yun. Invited ba ako Lloydie? Ha-hahaha!”

Read more...