Baron nag-propose na sa dyowa, sa Cebu ikakasal

BARON GEISLER AT JAMIE EVANGELISTA

NAG-PROPOSE na ang Kapamilya actor na si Baron Geisler sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Jamie Evangelista.

Kinumpirma ito ng The Wedding Library sa pamamagitan ng marketing director na si Alex Natividad.

Sa mga litratong naka-post sa Instagram, makikita ang mga eksena kung saan lumuhod si Baron sa harap ni Jamie sabay labas ng engagement ring. Nangyari ang wedding proposal sa kanilang photoshoot sa Maayo San Remigio, Cebu last Sunday.

“Surprise! It’s official! Baron Geisler officially proposed to Jamie Evangelista during our shoot in Cebu! To the surprise of the whole team and the bride, what she thought was a simple birthday surprise turned out to be a heartwarming official proposal from Baron,” ang caption ng The Wedding Library sa ilang IG photos.

Present sa nangyaring “surprise engagement” ang respective families nina Baron at Jamie.

Sa isang panayam kay Baron sinabi nitong nais na rin niyang lumagay sa tahimik at bumuo ng sariling pamilya, “Pagod na ako sa laro, sa pag-party. Gusto ko na ring magkaroon ng sariling pamilya.”

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Jamie ay isang freelance psycho therapist at nagsimula silang mag-date ni Baron noong 2018. Kamakailan ay ibinalita ni Baron na balak nilang magpakasal sa Cebu kung saan matatagpuan din ang business ng aktor.

“She’s very patient sa akin. Alam niya kung paano ako templahin. Super happy ako kasi maalaga siya.

“When I had nothing, wala pa yung barber shop ko, nung walang-wala ako she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business,” ang paglalarawan ni aron sa kanyang future wife.

Napapanood pa rin ngayon si Baron sa primetime teleserye ni Coco Martin na Ang Probinsyano kung saan kinaiinisan at kinatatakutan siya ng mga manonood dahil sa effective niyang pagganap bilang si Bungo, ang bagong kontrabida sa buhay ni Cardo Dalisay.

Read more...