Philharmonic Orchestra tutugtog sa SONA ni Duterte


TUTUGTOG ang Philippine Philharmonic Orchestra sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22.

Ito ang lumabas na report kahapon sa social media kaya naman mas na-excite ang publiko sa SONA ni Pangulong Digong.

Up beat daw ang tutugtugin ng PPO sa pagsisimula ng event na susundan ng isang kantang ginawa ni Freddie Aguilar habang naglalakad si PDuterte patungo sa kanyang upuan.

But take note, ang madalas pagtuunan ng pansin ng TV cameras ay ang pagrampa ng mga senador at kongresista at ng kanilang mga asawa suot ang kanilang OOTD para sa SONA.

Eh, maraming pulitiko rin na showbiz celebs kaya kadalasan ‘yung mga suot nila ang binibigyang-pansin ng mga members ng press na nagko-cover ng event.

Sabi nga ng isang radio commentator, mukhang showbiz ang dating ngayon ng SONA, huh! Siyempre, showbiz din kasi ang director nito – si Bb. Joyce Bernal kaya malaki ang chance na showbiz nga ang ambience na mararamdaman sa ikaapat na SONA ni Digong.

Read more...