Maine nalaglag sa top 5 female celeb ng Twitter PH; Kathryn biglang akyat sa No.1


NAUNGUSAN ni Kathryn Bernardo si Maine Mendoza bilang number one female celebrity mula April-June 2019 sa bagong data na inilabas ng Twitter Philippines.

Kung number 1 ngayon si Kath, nasa 9th place naman si Meng, huh!

Ang kasunod ni Kathryn ay sina Maris Racal (#2), Sue Ramirez (3), Anne Curtis (4), Gretchen Ho (5), Alex Gonzaga (6), Maymay Entrata (7) Sharlene San Pedro (8) at Saab Magalona (10).

Sa Top Male Celebrities, nasa number 5 spot naman ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Ang iba pang nakapasok sa Top 10 ay sina Vice Ganda (1), Donny Pangilinan (2), Kyle Echarri (3), Charles Kieron (Hashtag_CK) (4), Joshua Garcia (6), Bullet Dumas (7), Atom Araullo (8) Marlo Mortel (9) at TJ Monterde (10).

q q q

Emosyonal at nakadarama na ng separation anxiety si Janine Gutierrez sa nalalapit na pagtatapos ng Kapuso afternoon series niyang Dragon Lady.

Naging parang tunay na pamilya na rin kasi ang turingan nila sa Dragon Lady kaya ngayon pa lang ay inaatake na silang lahat ng “sepanx”.

Ayon kay Janine, mami-miss niya ang lahat ng kasama niya sa serye lalo na sina Aira Bermudez, Diana Zubiri, Maricar de Mesa at Joyce Ching dahil ang mga ito ang lagi niyang kaeksena.

“Eh, kahit kasi mabigat ‘yung kuwento, nakakatuwa naman ‘yung batuhan namin ng mga linya,” chika ni Janine.

After DL, sasabak naman sa pelikula si Janine bilang kapareha ni Paulo Avelino sa isang romcom movie. At least, Kapamilya actor naman ang makakatikim sa byuti ni Janine, huh!

Read more...